𝐏𝐀𝐆𝐒𝐔𝐒𝐔𝐑𝐈 𝐒𝐀 𝐁𝐓𝐀 𝐁𝐈𝐋𝐋 𝐍𝐎.𝟔𝟔: 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐍 𝐑𝐈𝐆𝐇𝐓𝐒 𝐃𝐄𝐅𝐄𝐍𝐃𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐒𝐀𝐌𝐎𝐑𝐎 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐓𝐈𝐁𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐁𝐓𝐀

Tinalakay ng Bangsamoro Justice System Committee ang pagsusuri nito sa isang panukalang batas na naglalayong protektahan ang mga Human rights defenders ng Bangsamoro Autonomous Region nito lamang araw ng Sabado January 31,2026

Ang nasabing panukala na 52 sections ng BTA Bill No.66, ay naglalayon na ma-instituonalize ang proteksyon at suporta bilang bahagi ng post-conflict peacebuilding, state-building, at pagtataguyod ng pananagutan at kalayaan.

Sinabi ni Committee Chair MP Atty. Suharto Ambolodto na ang bersyon ng panukalang batas na pinagtibay ng panel ay sasailalim sa Public Consultations.

Ang mga konsultasyon ay kinabibilangan ng mga grupo ng Human rights, legal experts at mga stakeholders bago isagawa ang panukala para sa karagdagang mga hakbang.

Ayon sa mga mambabatas, ang pagtatatag sa BARMM sa ilalim ng prosesong pangkapayapaan ay nagbibigay ng pagkakataong palakasin ang proteksyon sa karapatang pantao, matiyak na ang civil society ay malayang makakapagtaguyod para sa katarungan at pananagutan.

Nakipag-ugnayan din ang committee sa Bangsamoro Attorney General’s Office at sa Policy Research and Legal Services upang suriin ang mga probisyon ng pinal na panukala.

Pinamumunuan ni MP Alirakim Munder ang Technical Working Group (TWG) na nanguna sa pagtugon sa mga naunang pagtalakay habang si MP Mohammad Nadzir Ebil ay itinalaga bilang chair ng Ulama consultative group para magbigay ng Islamic Inputs sa nasabing Panukala

Samantala si MP Deputy Floor Leader Rasol Mitmug Jr. naman ay pamumunuan ng technical working group para sa hiwalay na panukalang lumikha ng Bangsamoro Shariah Judicial and Legal Academy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

025683
Views Today : 170
Views Yesterday : 153
Views Last 7 days : 1095
Views Last 30 days : 3721
Views This Month : 2443
Views This Year : 25022
Total views : 37157