Tuluyang nabuwag ang isang pinaghihinalaang drug den matapos ang matagumpay na buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency noong alas-8:30 ng gabi, Pebrero 4, 2026, sa Purok Masagana, Barangay RH 10 Malagapas, Cotabato City.
Naaresto sa operasyon ang tatlong High Value Individuals (HVI) na pawang mga construction worker at residente ng naturang lugar. Kinilala ang mga suspek na sina alias “JunJun,” 33 anyos; alias “Ares,” 50 anyos; at alias “Belong,” 34 anyos.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang siyam (9) na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 5 gramo at standard drug price na ₱34,000. Narekober din ang mga non-drug evidence kabilang ang boodle money, drug paraphernalia, improvised test tube, mga lighter, at improvised needle.
Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay dadalhin sa RFU-BAR para sa laboratory examination, habang ang mga naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 2, Cotabato City para sa tamang disposisyon at pansamantalang detensyon.
Ayon sa pulisya, ang operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya upang puksain ang paglaganap ng ilegal na droga sa lungsod at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.







Views Today : 126
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 704
Views Last 30 days : 3653
Views This Month : 2371
Views This Year : 18233
Total views : 30368
Leave a Reply