𝐎𝐔𝐓𝐒𝐓𝐀𝐍𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐄𝐑𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃, 𝐍𝐀𝐈𝐔𝐖𝐈 𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐓𝐀𝐁𝐀𝐓𝐎 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐂𝐂

Isang malaking karangalan para sa Cotabato City matapos tanggapin ang parangal para sa Outstanding Performance of the Local School Board sa 2026 Washington SyCip National Education Summit na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC), Manila.

Ang prestihiyosong pagkilalang ito ay iginawad sa Local School Board ng Cotabato City, bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa pagpapalakas ng kalidad ng edukasyon para sa bawat Cotabateño.

Pinangunahan ng City Government at ng Local School Board, sa ilalim ng pamumuno ni Bruce D. Matabalao, ang mga inisyatibang nakatuon sa pagpapabuti ng learning outcomes, school governance, at educational support systems sa lungsod.

Ang Washington SyCip National Education Summit ay taunang pagtitipon ng mga education leaders at local government units mula sa buong bansa upang kilalanin ang mga pinakamahusay na praktis sa larangan ng edukasyon.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang naturang parangal ay patunay ng kanilang patuloy na pangako sa dekalidad, inklusibo, at makabuluhang edukasyon para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020793
Views Today : 102
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 680
Views Last 30 days : 3629
Views This Month : 2347
Views This Year : 18209
Total views : 30344