Personal na ipinaabot ni Abdulmain “Baba” Abas ang tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang sunog sa Barangay Poblacion Dalican at Barangay Awang nitong Pebrero 20, 2026.
Kabuuang pitong (7) pamilya ang tumanggap ng agarang ayuda mula sa lokal na pamahalaan upang makatulong sa kanilang pagbangon mula sa trahedya, lalo na ngayong panahon ng banal na buwan ng Ramadan.
Ayon sa pamahalaang bayan ng Datu Odin Sinsuat, layunin ng inisyatiba na makapagbigay ng agarang suporta sa mga biktima upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan at makapagsimulang muli sa gitna ng pagsubok.
Ipinahayag ni Mayor Abas ang pakikiisa at panalangin para sa mga apektadong pamilya, kasabay ng pangakong patuloy na aalalayan ang mga ito hanggang sa kanilang ganap na pagbangon.








Views Today : 102
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 680
Views Last 30 days : 3629
Views This Month : 2347
Views This Year : 18209
Total views : 30344
Leave a Reply