Nagpatuloy ang serbisyo ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa pamamagitan ng Markadz Visitation na bahagi ng kanilang flagship program na Salaam Ramadhan, na isinagawa sa Ginakit Qur’anic Center sa Kalanganan II.
Sa nasabing pagbisita, naghatid ang UBJP ng food supplies at libreng iftar para sa humigit-kumulang 100 all-boys students na nag-aaral sa Qur’anic learning center. Layunin ng programa na matulungan ang mga mag-aaral na patuloy na nagsusumikap sa pag-aaral at pagmememorya ng Banal na Qur’an habang ginugunita ang banal na buwan ng Ramadhan.
Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng mga sponsorship mula sa mga party leaders at miyembro ng UBJP na patuloy na sumusuporta sa adbokasiya ng partido na maghatid ng serbisyo at tulong sa komunidad.
Sa pamamagitan ng programang Salaam Ramadhan, patuloy na isinusulong ng UBJP ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pagbabahagi—mga halagang lalong pinagtitibay sa panahon ng Ramadhan.






Views Today : 72
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 650
Views Last 30 days : 3599
Views This Month : 2317
Views This Year : 18179
Total views : 30314
Leave a Reply