𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐈𝐏𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐒𝐋𝐀𝐌𝐈𝐂 𝐒𝐄𝐂𝐓𝐎𝐑𝐀𝐋 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

Naging makabuluhan at puno ng inspirasyon ang ginanap na Islamic and Sectoral Night na dinaluhan ng mga senior citizens mula sa iba’t ibang barangay ng lalawigan.

Tampok sa programa ang makabuluhang talakayan ni Ustadz Marhaban M. Pigkaulan tungkol sa espiritwal na kahalagahan ng buwan ng Ramadhan, kabilang ang mga biyaya at gantimpala ng pag-aayuno at pagsamba.

Nagbigay rin ng makabuluhang Quranic recitations sina Al-Qari Rasid Makasindig, Yacob Kadatuan, at Abdullah Mamadla na lalo pang nagbigay ng espiritwal na lalim sa gabi ng pagtitipon.

Hindi rin nagpahuli ang kasiyahan sa raffle segment kung saan isang kalahok ang nagwagi ng Free Umrah Package, habang ang iba naman ay nag-uwi ng grocery packages at home appliances.

Ang nasabing aktibidad ay suportado ni Datu Ali M. Midtimbang at isinakatuparan sa pangunguna ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator bilang bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng Barakah nu Ramadhan sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

025017
Views Today : 85
Views Yesterday : 144
Views Last 7 days : 680
Views Last 30 days : 3528
Views This Month : 1433
Views This Year : 24012
Total views : 36147