𝐆𝐈𝐅𝐓 𝐁𝐎𝐗 𝐇𝐀𝐃𝐈𝐘𝐀, 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐎𝐊𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐋𝐈𝐃𝐄𝐑 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

Naghatid ng pasasalamat at pagkilala ang pamahalaan sa mga lokal na lider sa Maguindanao del Sur sa pamamagitan ng pamamahagi ng “Gift Box Hadiya” bilang bahagi ng pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadan.

Personal na binisita ang iba’t ibang bayan kabilang ang Ampatuan, Buluan, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Datu Unsay, Datu Montawal, Datu Paglas, Pagalungan, Paglat, Guindungan, Mangudadatu, Shariff Saydona Mustapha, at Sultan sa Barongis upang ihatid ang mga handog sa mga pinuno ng komunidad.

Kabilang sa mga pinagkalooban ng naturang regalo sina Vice Governor Ustadz Hisham Nando, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, pati na rin ang mga alkalde, bise alkalde, at mga barangay captain sa buong lalawigan.

Ayon sa mga tagapag-organisa, layunin ng inisyatibo na ipakita ang taos-pusong pasasalamat sa mga lider na patuloy na nagsisilbi nang may dedikasyon, integridad, at malasakit sa kanilang nasasakupan.

Ibinahagi rin nila ang diwa ng “Barakah nu Ramadhan” bilang simbolo ng pagkakaisa, kapayapaan, at patuloy na pag-unlad ng bawat komunidad sa lalawigan. Dagdag pa nila, nagsisilbing inspirasyon ang dedikasyon ng mga lider at ang mainit na pagtanggap ng mga ito sa kanilang pagbisita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020719
Views Today : 116
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 648
Views Last 30 days : 3606
Views This Month : 2232
Views This Year : 18094
Total views : 30229