Nagpahayag ng seryosong pagkabahala ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) kaugnay ng umanoβy hindi awtorisadong paglabas ng isang dokumentong may markang βStrictly Confidential β For Comments Purposes Only,β na bahagi umano ng isang kasalukuyang audit process.
Ayon sa MBHTE, ang naturang dokumento ay preliminaryo pa lamang at ginagamit para sa internal review, paglilinaw, at pagsunod sa due process. Binigyang-diin ng ahensya na ang paglalabas nito sa publiko nang walang sapat na konteksto at bago matapos ang audit ay hindi angkop at maaaring makasira sa umiiral na patakaran sa pagiging kumpidensyal ng mga proseso sa pamahalaan.
Iginiit din ng kagawaran na ang lahat ng kanilang transaksyon ay sumasailalim sa legal na proseso, audit verification, at wastong dokumentasyon. Patuloy rin umano ang kanilang pakikipagtulungan sa Commission on Audit (COA) upang tugunan ang anumang obserbasyon sa tamang paraan.
Kasabay nito, nanawagan ang MBHTE sa COA na imbestigahan kung paano nailabas ang naturang dokumento sa labas ng mga awtorisadong channel, at magsagawa ng kaukulang hakbang upang mapanatili ang integridad ng audit process.
Hinikayat din ang publiko na maging maingat at maghintay sa opisyal na resulta ng audit bago bumuo ng anumang konklusyon.








Views Today : 111
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 643
Views Last 30 days : 3601
Views This Month : 2227
Views This Year : 18089
Total views : 30224
Leave a Reply