Naglabas ng opisyal na paalala sa publiko ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) nitong March 27, 2026, kung saan muling iginiit na ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) lamang ang kanilang kinikilala bilang opisyal na partidong pampulitika. Ayon sa pahayag, nilinaw ng MILF na ang anumang pagtitipon, organisasyon, o inisyatiba na naglalayong magtatag ng ibang political party lalo na kung inaanyayahan ang mga kasapi ng kanilang military o political committees ay hindi awtorisado, kinikilala, o sinusuportahan ng organisasyon at ng UBJP.
Binigyang-diin din ng MILF ang panawagan sa kanilang mga miyembro, tagasuporta, at stakeholders na maging mapagmatyag at umiwas sa mga aktibidad na maaaring magdulot ng kalituhan, pagkakahati-hati, o maling representasyon ng kanilang opisyal na estruktura sa pulitika. Iginiit pa ng MILF na nananatili silang nakatuon sa pagpapanatili ng pagkakaisa, disiplina, at iisang direksyon sa adbokasiyang pampulitika ng Bangsamoro sa pamamagitan ng mga lehitimo at kinikilalang mekanismo, partikular sa ilalim ng UBJP. Ang naturang abiso ay inilabas alinsunod sa napagkasunduan ng MILF Central Committee sa kanilang isinagawang special meeting sa parehong araw.






Views Today : 86
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 618
Views Last 30 days : 3576
Views This Month : 2202
Views This Year : 18064
Total views : 30199
Leave a Reply