Nagsagawa ng courtesy visit si MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal kasama ang mga opisyal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education kay MGen. Donald M. Gumiran sa Camp Don Basilio Navarro sa Calarian, Zamboanga City.
Nakatutok ang pagbisita sa pagpapatibay ng koordinasyon at paghahanda para sa mga nalalapit na aktibidad sa loob ng Area of Responsibility (AOR), bilang bahagi ng pagpapalakas ng inter-agency collaboration at operational readiness sa rehiyon.
Dumalo rin sa naturang pagpupulong sina Mohajirin T. Ali, Director General of the Bangsamoro Planning and Development Authority, and Member of Parliament Matarul M. Estino, na kapwa nagbigay-diin sa kahalagahan ng mas pinagtibay na ugnayan sa pagitan ng civil at security sectors.
Ayon sa mga opisyal, ang naturang koordinasyon ay mahalaga upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga programa at ang patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Bangsamoro at karatig na lugar.







Views Today : 63
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 595
Views Last 30 days : 3553
Views This Month : 2179
Views This Year : 18041
Total views : 30176
Leave a Reply