Mariing pinabulaanan ni Morsie, personal staff ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Alhaj Murad Ebrahim ang kumakalat na alegasyon sa social media na umano’y peke o hindi pirmado ng liderato ang mga inilalabas na memorandum at opisyal na pahayag.
Sa isang pahayag, nagpakilala siya na mahigit 16 taon na syang nagsisilbi sa kay MILF Chairman at ang lahat ng dokumentong inilalathala sa opisyal na page ng Chairman ay lehitimo at dumaan sa tamang proseso.
Giit nito, ang mga nasabing dokumento ay pinag-uusapan at napagkakasunduan sa loob ng MILF Central Committee bago ilabas sa publiko. Dagdag pa niya, siya mismo ang naghahanda ng mga dokumentong pinipirmahan ng Chairman, habang ang communication team naman ang responsable sa paglalathala matapos itong konsultahin sa liderato at legal personnel.
Ang pahayag ay tugon sa mga kumakalat na posts na kumukwestyon sa pagiging tunay ng ilang memorandum, kabilang ang kamakailang abiso na muling nagpatibay sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP) bilang nag-iisang opisyal na political party ng MILF.
Matatandaang nauna nang naglabas ng paglilinaw ang MILF kaugnay sa isyu, habang may ilan ding nagsabing mismong ang Chairman ang nag-preside sa pulong ng Central Committee sa pamamagitan ng online platform.
Sa kabila ng mga kontrobersiya, nanindigan ang kampo ng MILF Chairman na ang lahat ng inilalabas na opisyal na komunikasyon ay lehitimo at sumasalamin sa kolektibong desisyon ng organisasyon.








Views Today : 22
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 1834
Views This Year : 17696
Total views : 29831
Leave a Reply