Sa panahon ngayon, hindi sapat ang “bahala na.”
Kaya naman, ang Provincial Government of Maguindanao del Sur, sa pangunguna ni Governor Datu Ali M. Midtimbang, ay nagsagawa ng Orientation on Fire Safety Protocols and Emergency Procedures upang masigurong handa ang lahat sa oras ng sakuna.
Pinangunahan ng PDRRMO sa pamumuno ni Windy Anne Joy B. Beaty, katuwang ang BFP–Buluan, ang naturang aktibidad sa Kalilintad Hall, Provincial Capitol.
Layunin nitong ihanda ang mga opisina sa tamang pagtugon sakaling magkaroon ng sunog o iba pang emergency sa loob ng kapitolyo.
“Ang tamang kaalaman ay unang sandata laban sa kapahamakan,” paalala ni Beaty.
Sa ganitong mga hakbang, pinapatunayan ng Pamahalaang Panlalawigan na ang kanilang serbisyo ay hindi lang tungkol sa pag-unlad — kundi higit sa lahat, sa kaligtasan ng bawat Maguindanaon.








Views Today : 4
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1034
Views Last 30 days : 3770
Views This Month : 757
Views This Year : 23336
Total views : 35471
Leave a Reply