Nagkaroon ng opisyal na pagbisita si Badrudin ‘Bads’ Ebrahim ng Inner Guard Base Command kay Anwar S. Alamada, kung saan tinalakay ang patuloy na koordinasyon at ugnayan sa loob ng organisasyon.
Sa naturang pagpupulong, muling ipinahayag ni Ebrahim ang kanyang matibay na suporta at pakikiisa, kabilang ang kanyang pagiging kasapi ng United Bangsamoro Justice Party bilang kanyang kinikilalang partidong politikal.
Binigyang-diin naman ni Alamada ang kanyang pagpapahalaga sa ipinakitang paninindigan ni Ebrahim, na aniya’y mahalaga sa pagpapatatag ng pagkakaisa at direksyon ng organisasyon sa gitna ng umiiral na mga hamon sa rehiyon.
Ang naturang pagbisita ay itinuturing na bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga lider at kasapi, na may layuning mapanatili ang solidong suporta at koordinasyon sa loob ng hanay.







Views Today : 281
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 1016
Views Last 30 days : 3752
Views This Month : 739
Views This Year : 23318
Total views : 35453
Leave a Reply