Nag-install ng malaking tarpaulin ang mga tagasuporta ni M!LF Chairman at Party President Al Haj Murad Ebrahim sa isang pangunahing daanan sa Bagua 2, Cotabato City bilang pagpapakita ng suporta sa kanyang liderato.
Ayon sa mga residente, ang inisyatiba ay mula mismo sa mga local supporters na nais ipahayag ang kanilang pagkilala sa papel ni Ebrahim bilang Chairman ng Moro Islamic Liberation Front, Pangulo ng United Bangsamoro Justice Party, at dating Chief Minister ng BARMM.
Nakasaad sa nasabing poster ang mensaheng: “Kahit saan ka man, Amirul Mujahidin, ay nandoon din kami,” na sumasalamin sa patuloy na suporta at katapatan ng kanyang mga tagasuporta.
Kilala ang Barangay Bagua 2 bilang isa sa mga komunidad na may malakas na suporta sa UBJP, kung kaya’t ang naturang hakbang ay itinuturing na simbolo ng patuloy na pagkakaisa at paninindigan ng kanilang hanay.









Views Today : 43
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 993
Views Last 30 days : 3713
Views This Month : 796
Views This Year : 23375
Total views : 35510
Leave a Reply