Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang programang βSerbisyong May Pusoβ sa pangunguna ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr, sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga institusyong pang-edukasyon at pangkomunidad.
Sa inisyatiba na pinangunahan ni Boad member Hadji Kahal Q. Kedtag, matagumpay na naipamahagi ang 200 monoblock chairs sa Elian. Kabilang sa mga benepisyaryo ang Elian Markadz Al-Islamie Inc. at Mahad Lagasan Al-Islamie Inc. na tumanggap ng tig-50 upuan, habang 100 upuan naman ang ipinagkaloob sa Elian Elementary School.
Ayon sa pamahalaan, ang simpleng proyektong ito ay bahagi ng mas malawak na layunin na palakasin ang kalidad ng edukasyon, suportahan ang pananampalataya, at patibayin ang ugnayan sa komunidad. Sa pamamagitan ng maayos na pasilidad, inaasahang mas mapapabuti ang learning environment at mga gawaing pangkomunidad.
Binigyang-diin din ng pamahalaang panlalawigan na ang ganitong mga hakbang ay mahalagang ambag sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan, kasabay ng patuloy na pangakong maghatid ng tapat at makataong serbisyo katuwang sina Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando at Cong. Esmael Mangudadatu.








Views Today : 38
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 988
Views Last 30 days : 3708
Views This Month : 791
Views This Year : 23370
Total views : 35505
Leave a Reply