Aktibong lumahok ang mga kabataan ng Ligawasan sa isinagawang βFrom Struggle to Suffrage: A Voter Education in BARMMβ noong May 3, 2026 sa Municipal Function Hall, bilang bahagi ng kampanya upang palakasin ang kamalayan sa responsableng pagboto.
Layunin ng programa na hikayatin ang mga kabataan na maging mulat, mapanindigan, at aktibong kalahok sa demokratikong proseso, sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahalagahan ng kanilang boto bilang boses ng pagbabago.
Pinangunahan ito ng Local Government Unit ng Ligawasan katuwang ang Ligawasan Youth Leaders Organization, Bangsamoro Youth Commission (BYC), at IDDMP sa ilalim ng Project LIGAW.
Sa mensahe ng Municipal Administrator Omolhayr Talembo, binigyang-diin ang mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng kinabukasan ng bayan. Aniya, βThe future of Ligawasan depends greatly on the youth,β kasabay ng panawagan sa mga kabataan na maging responsable hindi lamang sa pagboto kundi maging sa pangangalaga ng kapaligiran.
Sa isinagawang talakayan, tinalakay ang karapatan sa pagboto, kahalagahan ng informed decision-making, at ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng mabuting pamamahala.
Ayon sa mga nag-organisa, ang naturang inisyatiba ay bahagi ng mas malawak na layunin na ihanda ang bagong henerasyon ng mga botante na maging kritikal, may malasakit, at handang makilahok sa mga usaping panlipunan.
Sa kabuuan, nagsilbing plataporma ang programa upang buhayin ang diwa ng pagiging mulat at mapanindigan ng kabataang Bangsamoro patunay na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa isang boto.








Views Today : 38
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 988
Views Last 30 days : 3708
Views This Month : 791
Views This Year : 23370
Total views : 35505
Leave a Reply