Patuloy ang konstruksyon ng Training Center Building sa Pagalungan bilang bahagi ng malawakang programa ng Provincial Government of Maguindanao del Sur na maghatid ng de-kalidad na pasilidad at oportunidad sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.
Sa pangunguna nina Datu Ali Midtimbang, Hisham Nando, at Esmael Mangudadatu, layunin ng proyekto na magsilbing sentro ng skills development, edukasyon, at community empowerment para sa mga residente ng Pagalungan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, mahalagang bahagi rin ng kanilang peacebuilding advocacy ang pagtatayo ng Training Center dahil naniniwala silang ang pagbibigay ng oportunidad at kasanayan ay makatutulong upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran sa komunidad.
Inilarawan din ang pasilidad bilang isang ligtas na espasyo kung saan mahuhubog ang kakayahan ng mamamayan at mapapalakas ang kanilang partisipasyon sa pagpapaunlad ng lokal na komunidad.
Binigyang-diin ng pamahalaan na ang proyekto ay sumasalamin sa “Serbisyong May Puso,” na naglalayong maghatid ng konkretong suporta at mas magandang kinabukasan para sa bawat pamilyang Maguindanaon.









Views Today : 18
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1048
Views Last 30 days : 3784
Views This Month : 771
Views This Year : 23350
Total views : 35485
Leave a Reply