𝐓𝐏𝐌𝐓 𝐑𝐀𝐈𝐒𝐄𝐒 𝐂𝐎𝐍𝐂𝐄𝐑𝐍𝐒 𝐎𝐕𝐄𝐑 𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐈𝐒𝐒𝐔𝐄𝐒

Sa isinagawang presentasyon ng ika-9 na Public Report ng Third Party Monitoring Team sa New World Hotel noong Mayo 5, 2026, muling binigyang-diin ni Rahib Kudto ang kahalagahan ng pagpapanatili ng tiwala, partnership, at joint implementation sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Sa kanyang opening statement, sinabi ni Kudto na nananatiling pangunahing pundasyon ng kapayapaan sa Bangsamoro ang CAB at ang Bangsamoro Organic Law (BOL), na bunga umano ng mahabang negosasyon at malalaking sakripisyo ng Bangsamoro people at ng Moro Islamic Liberation Front.

Binigyang-diin din niya na ang Political Track at Normalization Track ng peace process ay dapat sabay na maisakatuparan dahil ang paghina umano ng isa ay maaaring magdulot ng panganib sa kabuuang direksyon ng proseso ng kapayapaan.

Ayon pa kay Kudto, mahalagang mapanatili ang mutual trust, consultation, at shared responsibility sa pagitan ng mga partido upang maprotektahan ang mga naabot na kasunduan at matiyak ang kredibilidad ng Bangsamoro transition.

Nagpahayag rin siya ng pangamba sa mga usaping may kaugnayan sa umano’y interference sa governance, mga isyu sa leadership transition, at mga hakbang na maaaring lumihis sa prinsipyo ng jointness sa implementasyon ng peace agreement.

Sa huli, nanawagan siya sa lahat ng stakeholders na muling pagtibayin ang diwa ng partnership, respeto sa autonomy ng Bangsamoro, at sama-samang pananagutan upang tuluyang maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan at mithiin ng sambayanang Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024539
Views Today : 18
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 968
Views Last 30 days : 3688
Views This Month : 771
Views This Year : 23350
Total views : 35485