π†πŽπ•. π€π‹πˆ πŒπˆπƒπ“πˆπŒππ€ππ† π‰πŽπˆππ’ ππ€π‘πŒπŒ π„πŒπ„π‘π†π„ππ‚π˜ πƒπ‘π‘πŒ πŒπ„π„π“πˆππ†

Nakiisa si Governor Datu Ali β€œDatu sa Talayan” Midtimbang sa isinagawang emergency meeting ng Bangsamoro Disaster Risk Reduction and Management Council na pinangunahan ni Abdulraof Macacua upang talakayin ang posibleng epekto ng oil crisis at nakaambang banta ng Super El NiΓ±o sa Bangsamoro region.

Sa isinagawang pulong, tinalakay ng mga opisyal ang kahalagahan ng maagap na paghahanda, matibay na koordinasyon, at mabilis na pagtugon upang maprotektahan ang mamamayan, kabuhayan, agrikultura, at suplay ng pagkain laban sa posibleng epekto ng matinding tagtuyot at pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Binigyang-diin din ng mga lider ang pangangailangang palakasin ang disaster preparedness at resilience measures sa iba’t ibang bahagi ng BARMM upang mabawasan ang epekto ng climate-related challenges sa rehiyon.

Patuloy namang hinihikayat ng BARMM government ang mga ahensya, local government units, at mamamayang Bangsamoro na makiisa sa mga hakbang para sa pagtitipid ng tubig at enerhiya, gayundin sa pagpapatibay ng kahandaan sa gitna ng banta ng El NiΓ±o at oil crisis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

024539
Views Today : 18
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1048
Views Last 30 days : 3784
Views This Month : 771
Views This Year : 23350
Total views : 35485