SHARIFF AGUAK, MAGUINDANAO DEL SUR – Isang panibagong yugto ng kanilang buhay ang sinimulan ng 12 dating miyembro ng isang lokal na armadong grupo matapos silang makatanggap ng assistance sa ilalim ng Peace and Order Program: DATU ALI NG MDS – Kapatid sa Kapayapaan Program, sa pakikipagtulungan ng Maguindanao Police Provincial Office (MAG PPO).
Isinagawa ang pamamahagi ng tulong noong Hunyo 10, 2026 sa Camp Datu Akilan sa bayan ng Ampatuan, Shariff Aguak, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na hikayatin ang mga nagbabalik-loob na tahakin ang landas ng kapayapaan at produktibong pamumuhay.
Layunin ng programa na mabigyan ng panibagong pagkakataon ang mga dating sangkot sa armadong tunggalian upang makapagsimula muli nang may dignidad at maging aktibong kabahagi sa pag-unlad ng kanilang mga komunidad.
Ayon sa mga nagpapatupad ng programa, ang inisyatibong ito ay sumasalamin sa matatag na paninindigan ng pamahalaan na isulong ang kapayapaan, kaayusan, at pangmatagalang kaunlaran sa Maguindanao del Sur. Ipinapakita rin nito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, kapulisan, at iba pang sektor upang mabigyan ng pag-asa ang mga nagbabalik-loob at maiwasan ang muling paglahok sa karahasan.
Sa pamamagitan ng mga programang reintegration at suporta sa kabuhayan, umaasa ang mga awtoridad na mas marami pang indibidwal ang pipiliin ang mapayapang pamumuhay at makikiisa sa pagtatayo ng isang ligtas, matatag, at maunlad na Bangsamoro






Views Today : 60
Views Yesterday : 144
Views Last 7 days : 655
Views Last 30 days : 3503
Views This Month : 1408
Views This Year : 23987
Total views : 36122
Leave a Reply