ANGSAMORO ON THE RISE: ₱5B INVESTMENTS, 2,000 BAGONG PAGKAKAKITAAN SA REHIYON

Ang Bangsamoro region ay patuloy na nagpapakita ng bunga ng kapayapaan at mabuting pamamahala — ngayong 2025, umabot na sa ₱5 bilyon ang halaga ng mga bagong investments na pumasok sa rehiyon.

Sa mga proyektong ito, mahigit 2,000 Bangsamoro ang nabigyan ng trabaho at bagong pag-asa. Kabilang dito ang pagtatayo ng Filipino-owned Islamic Bank sa Marawi City at foreign-owned agribusiness project sa Amai Manabilang, na parehong layuning palakasin ang lokal na ekonomiya.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, pumapasok na ang BARMM sa hanay ng Top 10 most invested regions sa buong bansa, isang indikasyon na tumaas ang tiwala ng mga negosyante at investors sa kakayahan ng rehiyon.

Sa bawat bagong investment, dumarating din ang bagong pagkakataon — hindi lang sa ekonomiya, kundi sa pag-asa ng mga pamilyang matagal nang nangarap ng mas magandang kinabukasan sa Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020482
Views Today : 24
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 637
Views Last 30 days : 3560
Views This Month : 1926
Views This Year : 17788
Total views : 29923