Nagkaloob ng agarang relief assistance ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) para sa humigit-kumulang 1,000 pamilyang Moro at Indigenous Peoples (IP) na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8.
Isinagawa ang pormal na turnover ng mga relief goods noong Hunyo 20 sa tanggapan ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) bilang bahagi ng patuloy na humanitarian response para sa mga apektadong komunidad.
Kabilang sa ipinamahaging tulong ang 1,000 sako ng tig-25 kilong bigas at 1,000 family food packs na nakalaan para sa mga pamilyang nasalanta ng lindol.
Ayon sa MSSD, naging mabilis ang paghahatid ng ayuda dahil sa koordinasyon ng Disaster Response and Management Division (DRMD), NCMF, lokal na pamahalaan ng General Santos City, at iba pang partner agencies upang matiyak ang maayos at agarang distribusyon ng tulong.
Bukod sa mga food packs, inaasahan ding darating ang karagdagang mga non-food items kabilang ang cooking kits, water kits, dignity kits, at mga trapal upang makatulong sa mga pamilyang pansamantalang naninirahan sa mga evacuation sites at iba pang ligtas na lugar.








Views Today : 85
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 865
Views Last 30 days : 3813
Views This Month : 3309
Views This Year : 29903
Total views : 42038
Leave a Reply