𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐋𝐀𝐒𝐀𝐊𝐈𝐓: 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍 𝐀𝐓 𝐄𝐘𝐄 𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊-𝐔𝐏 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐂𝐈𝐓𝐈𝐙𝐄𝐍𝐒

Muling naghatid ng pag-asa at serbisyong pangkalusugan ang Project Paningin matapos makinabang ang mahigit 50 senior citizens mula sa mga bayan ng Paglat, Mangudadatu, at Paglas sa isinagawang libreng pagsusuri sa mata noong Hunyo 22, 2026 sa Kalilintad Hall, Maguindanao del Sur.

Pinangunahan ang programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur katuwang ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) at si Dr. Zurah Glang, isang espesyalista sa pangangalaga ng mata.

Sa pamamagitan ng libreng konsultasyon at eye examination, nabigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaryo na masuri ang kanilang kalagayan sa paningin. Inaasahan ding makatatanggap sila ng mga salamin sa mata upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gawain at mapabuti ang kanilang kalidad ng buhay.

Ayon sa mga organizer, bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkalusugan sa ilalim ng GiveHeart Program, na naglalayong ilapit ang mga serbisyong medikal sa mga mamamayan, lalo na sa mga sektor na higit na nangangailangan ng suporta.

Patuloy namang pinagtitibay ng Pamahalaang Panlalawigan ang pangako nitong maghatid ng serbisyong may malasakit upang matiyak na walang maiiwang mamamayan sa pagtanggap ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028762
Views Today : 76
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 856
Views Last 30 days : 3804
Views This Month : 3300
Views This Year : 29894
Total views : 42029