𝐃𝐑𝐄𝐃𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐓 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐈𝐆𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐔𝐏𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐒𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐎𝐌𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃

Mas pinalawak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang dredging operations sa bayan ng Paglat sa isinagawang aktibidad mula Hunyo 22 hanggang 26, 2026, bilang bahagi ng patuloy na programa sa flood mitigation at disaster preparedness.

Sa pangunguna ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., katuwang ang Ministry of Public Works (MPW-BARMM) at DPWH Region XII, isinasagawa ang paglilinis at pagpapalalim ng mga daluyan ng tubig upang mapabuti ang water flow at mabawasan ang panganib ng pagbaha sa mga komunidad.

Nakipagtulungan din ang Lokal na Pamahalaan ng Paglat sa pamumuno ni Mayor Raisa P. Langkuno upang matiyak ang maayos na implementasyon ng proyekto at mapalakas ang koordinasyon sa paghahatid ng mga serbisyong pang-imprastraktura.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, hindi lamang flood control ang layunin ng dredging operations kundi maging ang pangangalaga sa buhay, kabuhayan, at seguridad ng mga residente. Inaasahan ding makatutulong ang proyekto sa pagpapalakas ng disaster resilience at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga apektadong lugar.

Kasabay nito, sinabi ng lalawigan na ang proyekto ay kaagapay rin ng mga peacebuilding initiatives na isinusulong nina Vice Governor Hisham Nando at Congressman Esmael Mangudadatu, sa pamamagitan ng mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa, katatagan, at pangmatagalang kaunlaran sa Maguindanao del Sur.

Binigyang-diin ng Pamahalaang Panlalawigan na patuloy nitong isusulong ang mga proyektong nakatuon sa kaligtasan, kahandaan sa kalamidad, at pagpapaunlad ng mga komunidad bilang bahagi ng kanilang Serbisyong May Puso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028747
Views Today : 56
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 836
Views Last 30 days : 3784
Views This Month : 3280
Views This Year : 29874
Total views : 42009