aging makabuluhan ang opisyal na pagbisita ni United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President Ahod βAl Haj Muradβ Ebrahim sa Republika ng TΓΌrkiye, kung saan isinulong ang pagpapalakas ng ugnayan at suporta para sa patuloy na pag-unlad ng awtonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa serye ng pakikipagpulong, nakaharap ng delegasyon ang ilang matataas na opisyal at pangunahing institusyon ng TΓΌrkiye, kabilang sina Grand National Assembly Speaker Numan KurtulmuΕ, Foreign Affairs Minister Hakan Fidan, at TΔ°KA Deputy Minister Dr. Serdar Γam.
Nakipag-ugnayan din ang delegasyon sa YediHilal, sa pangunguna ni General Chairman Samet PaΓ§acΔ±, IHH Humanitarian Relief Foundation, at iba pang civil society organizations na may mahalagang papel sa humanitarian assistance at international cooperation.
Naging pagkakataon ang pagbisita upang ipahayag ang pasasalamat sa patuloy na suporta ng TΓΌrkiye sa Bangsamoro at higit pang palawakin ang pakikipagtulungan para sa kapayapaan, kaunlaran, at pagpapatatag ng mga institusyon sa rehiyon.
Ayon kay UBJP President Al Haj Murad, ang suportang ipinakita ng TΓΌrkiye ay nagbibigay ng karagdagang lakas upang ipagpatuloy ang pagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran, karapatan sa sariling pagpapasya, at Moral Governance sa Bangsamoro.
Binigyang-diin din niya na ang pagpapatatag ng mga ugnayang pandaigdig ay mahalagang bahagi ng patuloy na adhikain para sa isang mas matatag, mapayapa, at maunlad na Bangsamoro.
Ang pagbisita ay itinuturing na isa pang mahalagang hakbang sa pagpapalawak ng ugnayan ng Bangsamoro sa mga international partners at sa pagpapatibay ng suporta para sa mga adhikaing bunga ng mahabang pakikibaka at prosesong pangkapayapaan.







Views Today : 71
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 833
Views Last 30 days : 3789
Views This Month : 3186
Views This Year : 29780
Total views : 41915
Leave a Reply