Pinalawak ang kaalaman ng mga senior citizen hinggil sa kanilang mga karapatan, pribilehiyo, at benepisyo sa isinagawang awareness session noong Hulyo 2, 2026 sa Training Center ng bayan.
Pinangunahan ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator (OPPDC) ang aktibidad sa pamamagitan ni Al-Jeeha L. Kasim, focal person para sa mga programa ng senior citizens, katuwang ang Ministry of Social Services and Development (MSSD).
Sentro ng talakayan ang mga probisyon ng Republic Act No. 9994, o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, upang mas maunawaan ng mga nakatatanda ang mga serbisyong at benepisyong nakalaan para sa kanila sa ilalim ng batas.
Namahagi rin ng mga Information, Education and Communication (IEC) materials na naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kanilang mga karapatan at mga programang maaari nilang mapakinabangan.
Bukod sa awareness session, nagbigay rin ng ID assistance sa mga kalahok upang matulungan silang makakuha ng senior citizen identification card na mahalaga sa paggamit ng kanilang mga pribilehiyo.
Kabilang sa mga benepisyong maaaring mapakinabangan ng mga kwalipikadong senior citizen ang 20% discount, VAT exemption, ilang utility discounts, medical privileges, social pension para sa mga kwalipikadong benepisyaryo, priority lane access, at iba pang serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng naturang aktibidad, layunin ng OPPDC at MSSD na matiyak na ang mga nakatatanda ay hindi lamang may alam sa kanilang mga karapatan, kundi may kakayahan ding aktuwal na mapakinabangan ang mga benepisyong nararapat para sa kanila.









Views Today : 56
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 818
Views Last 30 days : 3774
Views This Month : 3171
Views This Year : 29765
Total views : 41900
Leave a Reply