Naglabas ng pahayag ng paghingi ng paumanhin si MP Mohagher M. Iqbal kaugnay ng isang artikulong isinulat ni Carolyn Arguillas at inilathala ng MindaNews, kung saan iniugnay sa kanya ang pahayag tungkol sa umano’y manipulasyon ng ilang opisyal ng pamahalaan upang paboran ang isang partido kapalit ng multimillion-peso projects.
Ayon kay Iqbal, ang pagkuha ng mga pahayag ng isang tao nang wala sa tamang konteksto ay maaaring hindi sumasalamin sa tunay na intensyon ng nagsalita at maaari ring magdulot ng sama ng loob, alitan, o galit.
Mariing itinanggi ni Iqbal ang mga pahayag na iniugnay sa kanya, partikular ang bahagi tungkol sa umano’y “multimillion projects.”
“I vehemently disown such statements as constructed, especially the one referring to multimillion projects,” saad niya sa kanyang facebook post.
Ang kontrobersiya ay may kaugnayan sa mga usaping pumapalibot sa nakatakdang BARMM elections sa Setyembre 14.
Dahil sa naging epekto ng naturang ulat, humingi ng taos-pusong paumanhin si Iqbal sa lahat ng maaaring naapektuhan ng artikulo.
Gayunman, ang kanyang pahayag ay hindi lamang paghingi ng paumanhin—isa rin itong malinaw na pagtanggi sa kontrobersiyal na pahayag na iniugnay sa kanya.







Views Today : 39
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 801
Views Last 30 days : 3757
Views This Month : 3154
Views This Year : 29748
Total views : 41883
Leave a Reply