𝟏𝟕𝟐 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐈𝐂𝐎𝐍𝐆, 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐌𝐒𝐒𝐃 𝐑𝐄𝐋𝐈𝐄𝐅 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄

Naghatid ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) ng 172 relief assistance packages sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng kalamidad sa 14 na barangay sa bayan ng Picong noong Hulyo 12.

Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng 25 kilong bigas, food pack, cooking kit, sleeping kit, dignity kit, protection kit, hygiene kit, water container na may kasamang water purification tablets, at 15 infant kits para sa mga pamilyang may mga sanggol at breastfeeding mothers.

Batay sa pinakahuling datos, 660 pamilya na ang naapektuhan ng kalamidad sa naturang bayan.

Patuloy namang nagsasagawa ang MSSD ng monitoring at validation upang matukoy ang karagdagang pangangailangan ng mga apektadong residente at matiyak ang mabilis at maayos na paghahatid ng karagdagang humanitarian assistance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028525
Views Today : 76
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 849
Views Last 30 days : 4418
Views This Month : 2954
Views This Year : 29548
Total views : 41683