13 TRADITIONAL MADRASAH, NAGTIPON SA PAGLAT PARA SA MUSABAQAH NG KAALAMANG ISLAMIKO AT MORALIDAD

Sa patuloy na pagsusulong ng Islamic Education at Moral Development, dumalo si Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando sa Municipal Musabaqah na ginanap sa Madrasah Datu Conte Mangelen Al-Islamie Inc., Sitio Kiludan, Barangay Damalusay, noong Nobyembre 2, 2025.

Pinangunahan ng mga lokal na opisyal at ustadzes ang pagtitipon ng 13 Traditional Madrasah mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Paglat. Tampok sa nasabing Musabaqah ang mga paligsahan sa Qur’anic recitation, Islamic knowledge, moral values, at sports, na layong linangin ang kabuuang pagkatao ng bawat mag-aaral.

Sa kanyang inspirasyonal na mensahe, binigyang-diin ni Vice Governor Nando na ang edukasyon — maging ito man ay sekular o Islamiko — ay pundasyon ng matatag na lipunan. Aniya, “Ang tunay na edukasyon ay hindi lamang nagpapatalas ng isipan kundi nagpapalalim din ng pananampalataya at kabutihang-asal.”

Kasama rin sa aktibidad sina Hon. Bai Faujiah B. Mangelen, Hon. Rahib Nando, Guest Speaker Ustadz Zainodin Gumbila, at mga Ustadzes mula sa iba’t ibang Madrasah at Mahad sa pamumuno ni Musrif Al-Tarbiyyah Ustadz Ali Guiamaludin.

Ipinahayag ni Vice Governor Nando ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa mga inisyatibong nagtataguyod ng moral at spiritual growth ng kabataang Bangsamoro, bilang bahagi ng adbokasiya ng administrasyon sa ilalim ng Serbisyong Mapadtimbang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020613
Views Today : 63
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 622
Views Last 30 days : 3527
Views This Month : 2092
Views This Year : 17954
Total views : 30089