MSSD-BARMM, NAGDAOS NG MEDIA FORUM PARA SA MAS EPEKTIBONG PAGHATID NG SERBISYO SA BANGSAMORO

GENERAL SANTOS CITY (Nobyembre 6, 2025) — Matagumpay na isinagawa ng Ministry of Social Services and Development (MSSD-BARMM) ang Media Forum on Bridging Communication for Effective Social Services in the Bangsamoro sa Grand Summit Hotel, na dinaluhan ng mga media practitioners mula sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Pinangunahan ni MSSD Minister Atty. Raissa H. Jajurie, ang nasabing programa ay naglalayong paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng MSSD at ng mga mamamayan sa pamamagitan ng responsableng pamamahayag at malinaw na komunikasyon hinggil sa mga programa ng ministeryo.

Sa naturang forum, ipinakilala ang “TANGLAW” — na nangangahulugang Clarity o Guidance in Information — bilang pangunahing hakbang ng ahensya upang bigyang-linaw ang mga katanungan ng publiko at maipaliwanag nang mas maayos ang mga serbisyong hatid ng MSSD sa ilalim ng pamahalaang Bangsamoro.

Lumahok ang mga journalists at broadcasters mula sa iba’t ibang media outlet upang talakayin ang mga isyung panlipunan, mga proyektong pangkomunidad, at mga hakbang para sa mas epektibong pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa mga benepisyong ipinagkakaloob ng ministeryo.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Minister Jajurie ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon at aktibong pakikipagtulungan ng media upang maihatid nang tapat at maayos ang layunin ng MSSD sa Bangsamoro.

Ibinida rin ng MSSD ang kanilang flagship programs at ang mga tagumpay na nakamit sa loob ng anim na taong transition period, bilang bahagi ng kanilang Transition Accomplishment Report, na patunay ng kanilang patuloy na pangako sa serbisyo, kalinga, at malasakit para sa bawat Bangsamoro.

Ang matagumpay na media forum ay nagpapatunay sa dedikasyon ng MSSD-BARMM sa transparency, partnership, at inclusive governance—isang hakbang tungo sa mas bukas, mas maayos, at mas epektibong pamamahala ng social services sa buong rehiyon.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020621
Views Today : 73
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 632
Views Last 30 days : 3537
Views This Month : 2102
Views This Year : 17964
Total views : 30099