Governor Datu Ali M. Midtimbang has officially placed the entire province of Maguindanao del Sur under RED ALERT STATUS through the issuance of Executive Order No. 030, activating the Provincial Emergency Operations Center (EOC) to ensure proactive disaster response and coordination amid the looming threat of Typhoon Uwan.
Sa ilalim ng nasabing kautusan, inatasan ng gobernador ang lahat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Councils (MDRRMCs) sa probinsya na agad na ipatupad ang mga kinakailangang hakbang sa kahandaan, pre-emptive evacuation, at monitoring ng mga high-risk areas.
Binibigyang-diin ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na ang pagtataas ng Red Alert ay nangangahulugang 24/7 operations at heightened readiness ng lahat ng kaukulang tanggapan upang matiyak ang mabilis na tugon sa anumang sitwasyong dulot ng bagyo.
Ayon sa Provincial Government, kasalukuyan nang nakahanda ang mga rescue teams, evacuation centers, relief operations units, at emergency logistics, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, kapulisan, at mga volunteer responders.
Nanawagan din si Governor Midtimbang sa publiko na manatiling alerto, mag-monitor ng mga opisyal na weather updates mula sa PDRRMO, PAGASA, at NDRRMC, at iwasan ang pagkalat ng mga hindi beripikadong impormasyon
Ang Executive Order No. 030 ay bahagi ng Give Heart flagship program ng Pamahalaang Panlalawigan na nakatuon sa kaligtasan, kalinga, at kahandaan ng bawat mamamayan sa harap ng sakuna.







Views Today : 73
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 632
Views Last 30 days : 3537
Views This Month : 2102
Views This Year : 17964
Total views : 30099
Leave a Reply