Sa patuloy na pagsuporta sa sektor ng kabataan, matagumpay na isinagawa ng Ministry of Social Services and Development (MSSD-BARMM) ang joint payout para sa mga benepisyaryo ng Angat Bangsamoro: Kabataan Tungo sa Karunungan (ABaKa) at Bangsamoro Sagip Kabuhayan (BSK) Program noong Oktubre 31, 2025, sa Barangay Kadingilan Covered Court, Nabalawag, Special Geographic Area (SGA).
Kabuuang 352 mag-aaral ang nabigyan ng tulong pinansyal, kabilang ang:
- 52 regular college students,
- 52 college students sa ilalim ng Unlad Pamilyang Bangsamoro Program,
- 140 high school students, at
- 108 elementary students.
Bawat college student ay nakatanggap ng โฑ10,000, habang โฑ3,000 naman ang ibinigay sa high school, at โฑ2,000 sa elementary students bilang tulong sa kanilang mga gastusin sa paaralan.
Layunin ng programang ito na maibsan ang pasaning pinansyal ng mga mag-aaral mula sa low-income at disadvantaged families at tulungan silang maipagpatuloy ang kanilang edukasyon sa kabila ng hamon ng kahirapan.
Samantala, dalawang benepisyaryo ng Bangsamoro Sagip Kabuhayan Program (BSK) ang tumanggap ng tig-โฑ15,000 bilang puhunan sa pagsisimula ng kanilang mga maliit na negosyo.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng malawakang adbokasiya ng MSSD-BARMM, sa pangunguna ni Minister Atty. Raissa H. Jajurie, na itaguyod ang kapakanan ng mga kabataang Bangsamoro at palakasin ang programang pangkabuhayan at pang-edukasyon sa buong rehiyon.
โHindi lamang ito tulong pinansyal, kundi pagkakataong muling itaguyod ang pangarap ng kabataang Bangsamoro na makapagtapos at makatulong sa kanilang pamilya,โ ayon sa isang kinatawan ng MSSD.
Sa pamamagitan ng mga programang ABaKa at BSK, patuloy na ipinapakita ng MSSD-BARMM ang kanilang pagmamalasakit, dedikasyon, at pagkalinga sa bawat pamilyang Bangsamoro โ tungo sa mas maunlad, matatag, at makataong rehiyon.






Views Today : 73
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 632
Views Last 30 days : 3537
Views This Month : 2102
Views This Year : 17964
Total views : 30099
Leave a Reply