Maguindanao del Sur — Pinarangalan ng Provincial Government ang mga responders mula sa iba’t ibang bayan matapos ang matagumpay na partisipasyon ng mga ito sa UNIFIER Rescue and Response Challenge 2025, isang large-scale simulation exercise para sa humanitarian assistance at disaster response na pinangunahan ng 601st Infantry (Unifier) Brigade sa ilalim ni BGEN Edgar L. Catu.
Ginanap ang awarding ceremony sa Mango Grove, Datu Anggal Midtimbang, bilang bahagi ng inisyatibo ng pamahalaang panlalawigan na palakasin ang disaster preparedness at operational capability ng mga emergency teams sa buong lalawigan.
Sa kanyang keynote speech, sinabi ni Governor Datu Ali Midtimbang na ang mga kalamidad ay hamong hindi maiiwasan, ngunit posibleng mapagtagumpayan sa pamamagitan ng sapat na training, koordinasyon, at pagtutulungan ng lahat ng sektor.
“Ang kahandaan ng ating responders at ang pagkakaisa ng ating mga lokal na pamahalaan ang magiging sandata natin sa anumang sakuna,” ani Governor Midtimbang.
Kasabay nito, iginiit ng pamahalaang panlalawigan ang patuloy na suporta sa mga programang nakatuon sa disaster risk reduction and management upang makamit ang mas ligtas at mas matatag na Maguindanao del Sur.







Views Today : 76
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 783
Views Last 30 days : 3308
Views This Month : 2189
Views This Year : 4324
Total views : 4325
Leave a Reply