Lalaki Sugatan sa Pamamaril sa Datu Odin Sinsuat; Suspek Pinaghahanap

Maguindanao del Norte — Isang shooting incident ang naganap sa Sitio Tampat, Barangay Taviran, Datu Odin Sinsuat, kung saan isang 24-anyos na lalaki ang sugatan matapos barilin ng hindi pa kilalang salarin noong Nobyembre 20, 2025.

Ang biktima ay kinilalang si Nurham Kasim Salanggao, residente ng Cotabato City. Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen bandang 7:45 PM, dahilan upang agad silang magresponde.

Dinala ang biktima sa Cotabato Regional Medical Center matapos magtamo ng tama ng bala. Ayon sa initial report, naglalakbay ang biktima mula Dalican patungong Cotabato City nang sundan umano siya ng suspek at pagbabarilin.

Narekober ang 4 fired cartridge cases sa crime scene. Nag-request na ang DOSMPS ng tulong mula sa RFU-BAR para sa masusing pagproseso ng ebidensiya.

Samantala, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga pulis upang matukoy at maaresto ang salarin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

030683
Views Today : 57
Views Yesterday : 83
Views Last 7 days : 563
Views Last 30 days : 3259
Views This Month : 1575
Views This Year : 32297
Total views : 44432