MILF-TFDCC Naglabas ng Direktiba sa Pagpapatupad ng Socio-Economic Programs para sa 26,145 Decommissioned Combatants

Cotabato City, BARMM — Nagpalabas ng opisyal na direktiba ang MILF-Task Force for Decommissioned Combatants and their Communities (MILF-TFDCC), sa pamumuno ni Engr. Aida M. Silongan, Ph.D, upang tiyakin ang maayos at koordinadong implementasyon ng mga socio-economic programs para sa mga Decommissioned Combatants (DCs).

Ang memorandum ay resulta ng serye ng konsultasyon sa GPH-TFDCC at sa DSWD Field Offices X at XII. Layunin nitong siguruhing ang lahat ng interventions para sa mga DCs ay naaayon sa napagkasunduang mekanismo ng GPH at MILF.

Kabilang sa mahahalagang probisyon ng memorandum ang:

  • Joint planning at coordination ng bawat aktibidad;
  • Pagpapadala ng implementing agencies ng pormal na komunikasyon at proposed beneficiary list;
  • Mandatory presence ng TFDCC-MILF representatives sa lahat ng field activities;
  • Pag-shoulder ng DSWD sa mobilization costs ng TFDCC-MILF volunteers;
  • Pagbibigay ng TFDCC-MILF ng validated volunteer roster; at
  • Pantay-pantay na distribution ng socio-economic assistance gaya ng SLP/SEED, educational support, at iba pang components.

Inaprubahan na rin ng MILF Principal ang pagsisimula ng socio-economic rollout para sa 26,145 DCs mula Phase I–III, habang hinihintay ang final concurrence ng GPH-TFDCC at national implementing agencies.

Ayon sa MILF-TFDCC, mahalaga ang kanilang koordinadong aksyon upang maipatupad nang maayos ang peace agreement at maibigay ang nararapat na serbisyo sa mga DCs. Ang pagsunod sa nasabing memorandum ay itinuturing na sapilitan para sa lahat ng DC Focals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020627
Views Today : 81
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 640
Views Last 30 days : 3545
Views This Month : 2110
Views This Year : 17972
Total views : 30107