MSSD SINIMULAN ANG MALAWAKANG PAG-UWI NG MGA RETURNING FILIPINOS FROM SABAH

Ligtas na nakauwi sa lungsod ang 700 Returning Filipinos from Sabah (ReFS) noong Nobyembre 20, 2025, sakay ng M/V Antonia 1. Agad silang tinanggap at inasikaso ng Ministry of Social Services and Development (MSSD)–Zamboanga Satellite Office bago dinala sa Processing Center for Displaced Persons (PCDP) IX para sa pansamantalang tirahan, profiling, at dokumentasyon upang matukoy ang kanilang pamilya at pinanggalingang probinsya.

Ayon kay Leeshabel C. Adil, Head ng Zamboanga Satellite Office, sinimulan kaagad ang pagpapauwi ng mga ReFS sa kani-kanilang lalawigan. Noong Nobyembre 23, ligtas na nakarating sa Basilan ang 104 ReFS, sakay ng Kristel Jane 05 ng Aleson Shipping Lines. Ngayong Nobyembre 24, inaasahang makakabalik sa Tawi-Tawi ang 191 ReFS, habang patuloy namang inaasikaso ang pag-uwi ng 77 ReFS mula Sulu.

Samantala, ang natitirang 328 ReFS ay pauuwiin sa iba’t ibang lugar sa labas ng BARMM o sa mga komunidad na kabilang sa Bangsamoro Communities Outside of the BARMM (BCOBAR).

Nagbibigay ang MSSD ng pagkain at agarang tulong habang naglalakbay pauwi ang mga ReFS. Ang buong operasyon ay bahagi ng Humanitarian Assistance and Transfer for Individuals in Distress (HATID) Program, na nakatuon sa pagtulong sa locally stranded individuals, Returning Filipinos from Sabah, biktima ng karahasan, at iba pang vulnerable groups—tinitiyak ang kanilang kaligtasan, maayos na transportasyon, at muling pagsasama sa pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

“

Our Visitor

020631
Views Today : 85
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 644
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 2114
Views This Year : 17976
Total views : 30111