MAGUINDANAO DEL SUR PINARANGALAN ANG MGA LINGKOD-BAYANG NAGRETIRO SA “SALAMAT–PAALAM” PROGRAM

Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang taunang “Salamat–Paalam: Retirement Program” sa Kalilintad Hall, Provincial Capitol, bilang pagkilala sa mga lingkod-bayan na naglaan ng kanilang husay, oras, at katapatan sa paglilingkod publiko.

Pinangunahan ng Serbisyong May Puso administration ni Governor Datu Ali M. Midtimbang, layunin ng programa na bigyang-parangal ang mga retiradong kawani na naging mahalagang bahagi ng pagpapatatag ng serbisyo ng probinsya—mga empleyadong nag-iwan ng malinaw na bakas ng dedikasyon at positibong pagbabago para sa kapakanan ng mamamayan.

Sa pamamagitan ng testimonya, mga mensaheng pagpupugay, at pagkakaloob ng plaque at retirement ring, muling ipinadama ng pamahalaang panlalawigan ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa mga empleyadong naglingkod nang buong puso at integridad. Katuwang sa pagdaraos ng programa ang Office of the Provincial Administrator, CSC–Maguindanao Field Office, at MDSEA.

Sa mensahe ng probinsya, tiniyak nitong hindi kailanman malilimutan ang ambag ng mga retiradong kawani—isang pamana ng tapat, maalaga, at makataong serbisyo na patuloy na magiging inspirasyon sa mas pinatibay pang Serbisyong May Puso para sa lahat ng taga-Maguindanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020633
Views Today :
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 646
Views Last 30 days : 3551
Views This Month : 2116
Views This Year : 17978
Total views : 30113