271 LOOSE FIREARMS SINIRA; MAGUINDANAO DEL SUR TUMINDIG PARA SA KAPAYAPAAN

Sa patuloy na kampanya para sa mas ligtas at mas mapayapang Maguindanao del Sur, pormal na isinuko at sinira ang 271 loose firearms sa isang demilitarization activity na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng 601st Infantry “Unifier” Brigade. Dumalo si Provincial Governor Datu Ali Midtimbang, kasama si Brigadier General Edgal L. Catu PA, Commander ng 601st Brigade, para saksihan ang opisyal na presentasyon at pagwasak sa mga armas na kusang ibinigay ng mga residente.

Nagtipon din ang mga lokal na opisyal bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa pagpapatupad ng kapayapaan at pagbawas sa pagkalat ng mga iligal na armas sa lalawigan. Bilang pagkilala sa kooperasyon ng mga nagbalik-loob, namahagi ang Provincial Government ng bigas at livelihood assistance upang makatulong sa kanilang pagbangon at aktibong pakikilahok sa mapayapang pamayanan.

Ang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na programang naglalayong patatagin ang seguridad, itaguyod ang rule of law, at palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at mga mamamayan sa pagbuo ng isang mas matatag na probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020645
Views Today : 13
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 659
Views Last 30 days : 3564
Views This Month : 2129
Views This Year : 17991
Total views : 30126