VETERANS BENEFITS NILINAW: 20-YEAR SERVICE REQUIREMENT, SENIORS AT PWD PRIORITY—SILONGAN

Nilinaw ni MILF-TFDCC Chairperson Engr. Aida Silongan ang pamantayan para sa mga makaka-avail ng Bangsamoro Veterans Benefits, na nakatuon para sa mga dating mandirigma ng MNLF at MILF na matagal nagsilbi sa kilusan.

Ayon kay Silongan, kwalipikado ang mga naglingkod ng hindi bababa sa 20 taon mula 1969 hanggang 2014, ang taong pinirmahan ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB). Kapag tumutugma sa service requirement at 60-years old pataas, awtomatikong pasok sa benepisyo bilang senior veteran.

Saklaw din ng prayoridad ang mga PWD na nakapagsilbi ng 20 taon, kahit hindi pa senior citizen—isang patunay ng inklusibong polisiya para sa mga mandirigmang may kapansanan.

Hinikayat ni Silongan ang mga kwalipikado na magtungo sa OBMOSK (Office of the Bangsamoro for Marawi, Orphans, and Special Cases) o sa iba pang opisina sa ilalim ng special circumstance unit upang alamin ang kompletong requirements. Layunin ng proseso na matiyak na tanging totoong karapat-dapat na beterano ang makatatanggap ng programang pangkabuhayan at tulong mula sa Bangsamoro Government.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020644
Views Today : 12
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 658
Views Last 30 days : 3563
Views This Month : 2128
Views This Year : 17990
Total views : 30125