Matapang na pinangunahan ni MP Said Shiek ang dalawang-araw na “Support to Asatidz of Traditional Madrasah” program noong Nobyembre 20–21, 2025 sa Ragayan Training Center, bilang bahagi ng agresibong layunin na palakasin ang Islamic educators at moral compass ng mga komunidad sa Lanao del Sur.
Sa ilalim ng inisyatiba, 40 asatidz mula sa iba’t ibang tradisyunal na madaris ang sumailalim sa capacity development training at tumanggap ng tig-P30,000 cash assistance, pondo mula sa Transitional Development Impact Fund (TDIF) ni MP Said Shiek. Ang tulong ay nakatuon sa pagpapalakas ng kanilang kakayahang magturo at pagpapalalim ng kanilang papel bilang gabay ng komunidad.
Pinangunahan ang programa sa pakikipagtulungan ng Ministry of Public Order and Safety (MPOS-BARMM) at Office of MP Said Shiek (OMPSS), nagpapakita ng matatag na kooperasyon para sa kapayapaan, kaayusan, at moral upliftment sa rehiyon.
Malalim at agresibo ang naging diskusyon nina Dr. Anwar Radiamoda at MPOS Division Chief Bhenhar Ayob, na nagsilbing Resource Speakers. Kanilang binigyang-diin ang pagpapalakas ng instructional skills, values-based learning, at kritikal na papel ng mga asatidz sa pagpapatatag ng kapayapaan sa kani-kanilang komunidad.
Dumalo at nagpaabot ng suporta sina BARMM-MRP Program Director Sailanie Alauya, OMPSS Chief of Staff Mohammad Pandapatan, OMPSS Focal Person to MPOS Abubakar Maba, Executive Assistant Salman Shiek, at Ms. Nadjerah Palawan, bilang patunay ng malawak na suporta sa inisyatiba.
Nagwakas ang programa sa taos-pusong pasasalamat mula sa mga asatidz na nagsabing ang natanggap nilang kaalaman at tulong-pinansyal ay malaking sandigan upang mas mapagsilbihan nila ang kanilang komunidad nang may mas mataas na dedikasyon at kakayahan.








Views Today : 13
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 659
Views Last 30 days : 3564
Views This Month : 2129
Views This Year : 17991
Total views : 30126
Leave a Reply