Masayang isinapubliko ng AAI Islamic Center Cotabato City (AAIICCC) ang iba’t ibang programa at serbisyo na handog nito para sa lahat, lalo na sa mga kapatid nating Muslim at Balik-Islam, sa layuning palakasin ang pananampalataya at pagkakaisa ng Bangsamoro.
Sa ilalim ng pangunguna ng Al-Jalis As-Salih Inc. (AAI), inilatag ng Islamic Center ang tatlong pangunahing programa:
FIELD DA’WAH
Ang pangunahing programa ng AAIICCC na naglalayong ipalaganap ang mga aral ng Islam sa tamang paraan. Kabilang dito ang house-to-house at one-on-one da’wah, pagbisita sa mga non-Muslim na kaibigan, pamilya at kamag-anak, pati na rin ang mga community, schools, jail at police station da’wah. Bahagi rin nito ang pamimigay ng mga pamphlets.
NEW MUSLIM WELFARE
Isang programa para sa mga bagong yakap-Islam, na layong suportahan at gabayan sila sa kanilang bagong yugto ng buhay bilang Muslim. Kabilang dito ang follow-up visitations at lectures, online lectures, pagbibigay ng New Muslim Gifts, Basic Islamic Orientation (BIO), at issuance ng Conversion Certificates.
ACADEMIC AFFAIRS
Layunin nitong palakasin ang pagkakapatiran at kaalaman sa Islam sa pamamagitan ng Basic Islamic Studies, Islamic lectures, tutorial classes, mabeet, seminars, halaqaat, at iba pang educational gatherings na isinasagawa lingguhan at buwanan, online man o face-to-face.
Ang mga serbisyong ito ay bukas para sa lahat—Balik-Islam man o Bangsamoro na nais mag-aral, magsaliksik, o mas palalimin ang kanilang kaalaman sa Islam.
Kasama ng AAIICCC sa pagpapatupad ng mga programang ito ang iba’t ibang organisasyon at tanggapan tulad ng: AAI Cotabato City Chapter, Cotabato City LGU, Barangay LGUs, United Bangsamoro Balik Islam Association (UBBIA), UMLADI, Bangsamoro Darul-Ifta’, Committee on Da’wah and Masajid Affairs, SPAO, at mga Bangsamoro Ministries at Offices.
Para sa mga nais makiisa o magtanong, maaaring bumisita sa Akbar Building, 2nd Floor, Andres Alonzo St., RH XI, Cotabato City, BARMM o makipag-ugnayan sa:
aai.ic.cotcity@gmail.com
09350255397 (TM) | 09489318137 (TNT)
“Ang mga programang ito ay hindi lamang para sa kapatiran kundi para sa lahat na nagnanais ng tamang kaalaman, gabay, at pag-unlad sa pananampalatayang Islam.”
Bisitahin ang kanilang Official Facebook Page








Views Today : 23
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 676
Views Last 30 days : 3550
Views This Month : 1835
Views This Year : 17697
Total views : 29832
Leave a Reply