𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐁𝐀𝐁𝐀 𝐀𝐁𝐀𝐒: “𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐑𝐀𝐑𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐎 𝐀𝐘 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐈𝐁𝐈𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐎 𝐀𝐓 𝐓𝐀𝐏𝐀𝐓.”

Ngayong umaga bago simulan ang pamamahagi ng Walang Gutom 2027 Program – Cluster 2 sa Barangay Bugawas Covered Court, personal na tiniyak ni Hon. Mayor Abdulmain BABA Abas na nasa tamang timbang at dekalidad ang bigas na ipapamahagi sa mga benepisyaryo.

Isinagawa ng alkalde ang mismong pagtitimbang ng mga sako ng bigas upang masiguro na ang bawat tatanggap ay makakakuha ng eksaktong 25 kilo ng bigas – walang labis, walang kulang.

Ayon kay Mayor Abas, tungkulin ng lokal na pamahalaan na tiyakin na ang mga ayuda mula sa pamahalaan ay tapat na naipapamahagi at walang bahid ng pandaraya.

“Ang nararapat para sa tao ay dapat ibigay nang buo at tapat. Hindi tayo papayag na may kulang ang ating mga benepisyaryo,” giit ng alkalde.

Ang pamamahagi ng bigas sa ilalim ng programang Walang Gutom 2027 ay itinakda ngayong Oktubre 1, 2025 para sa Cluster 2, na sumasaklaw sa mga barangay ng Makir, Baka, Bitu, Margues, Sapalan, Sifaren, Capiton, Tamontaka (umaga) at Tanuel, Tambak, Taviran, Bugawas (hapon).

Ang hakbang na ito ay patunay ng mariing paninindigan ni Mayor Abas sa transparensiya, tapat na serbisyo, at malasakit sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020407
Views Today : 12
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 765
Views Last 30 days : 3597
Views This Month : 1824
Views This Year : 17686
Total views : 29821