𝐂𝐎𝐌𝐄𝐋𝐄𝐂 𝐒𝐔𝐒𝐔𝐍𝐎𝐃 𝐒𝐀 𝐊𝐎𝐑𝐓𝐄 𝐒𝐔𝐏𝐑𝐄𝐌𝐀, 𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌 𝐏𝐎𝐋𝐋𝐒 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘

Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na kanila nang susundin ang pasya ng Korte Suprema na nag-aalis ng lahat ng pagbabawal kaugnay ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa pahayag noong Oktubre 4, 2025, sinabi ng COMELEC na ang desisyon ng Korte Suprema sa pinagsanib na kaso G.R. No. E-02219 at G.R. No. E-02235 ay nagdeklara na unconstitutional ang Bangsamoro Autonomy Act (BAA) No. 58 at BAA No. 77, dahilan para ituring nang moot and academic ang mga naunang isyu sa BARMM Parliamentary Elections.

Kabilang sa mga desisyon ng COMELEC ay ang:

Pagkilala sa lahat ng komento mula sa mga kandidato, partido, at stakeholders ngunit idineklarang moot dahil sa pasya ng Korte Suprema.

Pag-antabay sa pagtupad ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa direktiba ng Korte Suprema hinggil sa parliamentary districts hanggang Oktubre 30, 2025.

Pag-alis ng lahat ng election prohibitions, kabilang ang pagbabawal sa pagdadala ng armas sa buong BARMM at sa Isabela City, Basilan.

Pagbabago sa election calendar at pagtitiyak na ang halalan ay dapat maisagawa hindi lalampas ng Marso 31, 2026.

Tiniyak ng COMELEC na nananatili itong nakahanda upang matiyak ang malinis, patas, at makatarungang halalan sa BARMM, alinsunod sa utos ng Korte Suprema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020408
Views Today : 13
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 766
Views Last 30 days : 3598
Views This Month : 1825
Views This Year : 17687
Total views : 29822