Sa patuloy na adbokasiya ng #SerbisyongMayPuso, ipinamalas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, sa pamumuno ni Governor Datu Ali M. Midtimbang, ang kanilang malasakit sa mga Yatheem (mga ulila) sa isinagawang Medical and Dental Care for Yatheem noong Oktubre 10, 2025 sa Bangsamoro Regional Hospital and Medical Center.
Bilang bahagi ng makabuluhang aktibidad, namahagi rin ang pamahalaang panlalawigan ng school bags at learning supplies sa mga batang Yatheem — isang simpleng hakbang ngunit puno ng pagmamahal, pag-asa, at inspirasyon upang mapalakas ang kanilang pagnanais na mag-aral at mangarap.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pangako ng Maguindanao del Sur sa pagbibigay ng serbisyong may puso — isang serbisyong hindi lamang nakatuon sa pisikal na pangangailangan, kundi sa pagpapalakas ng moral, paghubog ng pag-asa, at pagpapalaganap ng malasakit sa bawat Maguindanaon.
“Ang bawat batang yatheem ay simbolo ng pag-asa ng Bangsamoro. Nararapat lamang silang maramdaman na sila ay mahalaga at hindi nag-iisa,” ayon sa mensaheng ipinahayag sa aktibidad.








Views Today : 28
Views Yesterday : 102
Views Last 7 days : 604
Views Last 30 days : 3385
Views This Month : 130
Views This Year : 22709
Total views : 34844
Leave a Reply