Rajah Buayan, Maguindanao del Sur — Sa patuloy na pagsusulong ng #SerbisyongMayPuso, isinagawa ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), katuwang ang mga Local Government Units (LGUs) at ang Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform (MAFAR), ang Training on Corn Production at pamamahagi ng mga agricultural inputs para sa mga magsasaka ng mais.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka, kabilang ang seed selection, soil fertility management, integrated pest management, at postharvest handling.
Ipinamahagi rin ng OPAg ang mga certified hybrid corn seeds at mga makinarya gaya ng corn harvesters para sa mga farmer cooperatives bilang bahagi ng pagpapalago ng ani at kita ng mga magsasaka.
Sa mensahe ng pamahalaang panlalawigan, muling pinagtibay ang kanilang pangako na palawakin ang oportunidad sa agrikultura at suportahan ang mga magsasaka tungo sa mas masigla, produktibo, at matatag na sektor ng agrikultura.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng Festival of Service: GIVE HEART, ang socio-economic development agenda ng lalawigan na naglalayong maghatid ng inklusibong serbisyo at pag-asa sa bawat Maguindanaon








Views Today : 77
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 609
Views Last 30 days : 3567
Views This Month : 2193
Views This Year : 18055
Total views : 30190
Leave a Reply