Hindi hadlang ang ulan sa pamahalaan ng Maguindanao del Sur para makapaghatid ng tulong. Sa gitna ng pagbaha na sumubok sa bayan ng General SK Pendatun, agad kumilos si Governor Datu Ali Midtimbang kasama ang kanyang team sa Midtimbang CARES Program upang abutin ang mga pamilyang lubog sa tubig.
Mahigit 300 pamilya ang naapektuhan, at halos 80% ng bayan ay tinamaan ng baha. Ngunit sa likod ng unos, muling namayani ang bayanihan at malasakit.
Sa bawat relief pack na naipamahagi, hatid ay hindi lamang pagkain at gamit — kundi pag-asa at katiyakan na hindi nag-iisa ang bawat mamamayan ng Maguindanao del Sur.
Maliit man o malaki ang sakuna, para kay Governor Midtimbang, ang tunay na liderato ay nasusukat sa agarang pagtugon at malasakit sa tao.









Views Today : 9
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1039
Views Last 30 days : 3775
Views This Month : 762
Views This Year : 23341
Total views : 35476
Leave a Reply