Patuloy ang pagsisikap ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) na maitaas ang kalidad ng edukasyon sa Bangsamoro region matapos nitong matagumpay na mamahagi ng mga kagamitang pang-edukasyon sa apat na pampublikong paaralan sa Maguindanao del Sur sa ilalim ng Project Iqbal.
Sa pamamagitan ng Property and Supply Section (PASS), nakatanggap ng tulong ang Datu Alimot Elementary School, Mamasabulod Elementary School, Datu Udtog Matalam MES, at Linandangan Elementary School.
Kabilang sa mga ipinamigay ang 1,005 learners’ kits, 32 teachers’ kits, 1,497 kopya ng mga aklat, pati na rin ang mga heavy-duty staplers, educational charts, flashcards, at gallons of alcohol na magsisilbing karagdagang kagamitan para sa epektibong pagtuturo.
Ayon sa MBHTE, ang programang ito ay bahagi ng kanilang patuloy na commitment sa pagbibigay ng quality at inclusive education sa buong Bangsamoro Autonomous Region, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga paaralan at pagtulong sa mga guro at mag-aaral sa kani-kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Sa pamamagitan ng Project Iqbal, muling pinatutunayan ng MBHTE na ang edukasyon ay isa sa pinakamahalagang susi sa kapayapaan at pag-unlad ng Bangsamoro









Views Today : 9
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1039
Views Last 30 days : 3775
Views This Month : 762
Views This Year : 23341
Total views : 35476
Leave a Reply