BARMM-READi, NAGHATID NG TULONG SA 220 PAMILYANG NAAPEKTUHAN NG BAHA SA DATU ODIN SINSUAT

Muling pinatunayan ng BARMM-READi at ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat na ang serbisyong totoo ay nararamdaman sa panahon ng pangangailangan.

Kaninang araw, 220 pamilyang residente ng Sitio Pendaliday, Barangay Poblacion ang tumanggap ng relief goods matapos maapektuhan ng pagbaha sa kanilang lugar.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Mayor Baba Abas, kasama si Hon. Sophia Abas, at ang masipag na Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) Monie Ayao at kanyang team.

Sa tulong ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (BARMM-READi), matagumpay na naihatid ang tulong para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng kalamidad.

“Ang mahalaga ay walang maiwan sa panahon ng sakuna. Sama-sama nating itaguyod ang malasakit at pagtutulungan sa bawat pamilya,” pahayag ni Mayor Abas.

Bukod sa agarang ayuda, tiniyak din ng lokal na pamahalaan na patuloy ang kanilang monitoring at assistance sa mga lugar na apektado ng pagtaas ng tubig.

Ang inisyatibong ito ay patunay na ang Serbisyong Abas ay hindi lang salita, kundi gawa—serbisyong may puso, malasakit, at pagkakaisa para sa lahat ng DOSanons.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020610
Views Today : 59
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 618
Views Last 30 days : 3523
Views This Month : 2088
Views This Year : 17950
Total views : 30085