Isang makasaysayang araw ang nasaksihan sa Barangay Tugal, Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur matapos tuldukan ang mahigit isang dekadang hidwaan o “rido” sa pagitan ng dalawang pamilya.
Sa harap ng mga opisyal ng lalawigan, nilagdaan nina Barangay Captain Suharto K. Talintam at Commander Saya “Taya” S. Said ang kasunduang pangkapayapaan na magsisilbing tulay sa pagkakaisa at kapatawaran ng dalawang panig.
Ang seremonya ay pinangunahan nina Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., Vice Governor Ustadz Hisham Nando, at iba pang mga lider na nagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon.
“Ito ay simula ng bagong yugto—isang Maguindanao del Sur na payapa, nagkakaisa, at handang umunlad,” pahayag ng gobernador.
Ang kasunduang ito ay hindi lamang pagtatapos ng alitan, kundi simbolo ng pagbabalik ng tiwala, dangal, at pagkakapatiran sa mga mamamayan.
Sa tulong ng lokal na pamahalaan at ng mga lider relihiyoso, patuloy ang pagsisikap na isulong ang kultura ng kapayapaan sa buong Bangsamoro, upang ang mga darating na henerasyon ay mamuhay sa lipunang puno ng pag-asa, hindi ng hidwaan.









Views Today : 18
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 968
Views Last 30 days : 3688
Views This Month : 771
Views This Year : 23350
Total views : 35485
Leave a Reply