Patuloy na pinatitibay ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) ang pundasyon ng edukasyong Islamiko sa Bangsamoro sa pamamagitan ng pagpapasimula ng mga bagong imprastruktura para sa mga mag-aaral sa rehiyon.
Noong OKTUBRE 23, 2025, ginanap ang groundbreaking ceremony para sa itatayong dalawang-palapag na pampublikong madrasah na may apat na silid-aralan sa Barangay Barira, Maguindanao del Norte. Ang proyekto ay may kabuuang pondong ₱10,161,972.84 na mula sa General Appropriations Act of the Bangsamoro (GAAB) 2023.
Kasunod nito, noong OKTUBRE 28, 2025, isa pang groundbreaking ceremony ang isinagawa sa Barangay Nalinan, Sultan Kudarat, para sa isang palapag na gusali na may dalawang silid-aralan na nagkakahalaga ng ₱5,430,050.00.
Ayon sa MBHTE, ang mga proyektong ito ay bahagi ng kanilang patuloy na layunin na mapalawak ang access sa dekalidad, balanseng, at makabuluhang edukasyon para sa mga kabataang Bangsamoro.
Ang mga bagong gusaling ito ay inaasahang magiging sentro ng pagkatuto, kaalaman, at pagpapalaganap ng mga aral ng Islam, bilang bahagi ng pagsulong ng Bangsamoro Education Reform Agenda.







Views Today : 59
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 618
Views Last 30 days : 3523
Views This Month : 2088
Views This Year : 17950
Total views : 30085
Leave a Reply